
Nitong Agosto, ang Sterling Volunteer Fire Company ay ipinagdiwang ang 50 taong serbisyo sa ating komunidad. Simula ng pagkatatag ng SVFC noong taong 1966, nakaranas ng mabilis na pagunlad at paglago ang Loudoun County. Sa lahat ng pagkakataon, ang SVFC ay patuloy na nagbibigay ng mabisa at propesyonal na proteksyon sa buhay at ari-arian ng mga residente, mga negosyo, at mga bisita. Sa kasalukuyan, ang SVFC ay tumutugon sa mahigit na 4,200 mga tawag taun-taon. Sa pagbubukas ng Gloucester Parkway, ang
aming lugar ng serbisyo ay lumago at inaasahan namin na matutugunan ang mahigit sa 5,000 mga tawag – humigit kumulang sa 14 na emergency calls araw-araw.
Noong unang bahagi ng taon ng SVFC, ang emerhensiya ay mas laganap sa lugar na rural at insidente sa sakahan. Sa sumusunod na mga dekada, kami ay tumugon sa parehong lokal at pambansang emerhensiya, kabilang dito ang krisis sa Pentagon noong Setyembre 11, 2001, at Hurricane Katrina noong 2005, habang patuloy ang pagbibigay namin ng tulong sa lumalaki at pabago-bagong populasyon ng Sterling.
Ang aming pagtuon sa mga taong aming pinaglilingkuran ay hindi kailanman nagmaliw at ang ipinagkaloob ninyong donasyon ay nakatulong ng malaki sa amin upang matugunan ang mga pang-emerhensiya na pangangailangan ng mga residente at mga negosyo sa loob ng nakaraang limang dekada.
Dahil sa lahat ng komunidad na sumusuporta sa aming panig, ang Sterling Volunteer Fire Company ay handa pang humarap sa susunod na 50 taon pang serbisyo. Tulad ng iyong mga kaibigan, kapitbahay, at mga katrabaho, nagpapasalamat kami sa inyong patuloy na pagsuporta.
Tulungan ninyo kaming maghatid sa inyo at sa ating komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon sa araw na ito. Magbigay ng tax-deductible na tseke sa SVFC at ipadala gamit ang koreo sa:
Sterling Volunteer Fire Company
P.O. Box 651266
Sterling, VA 20165
Para sa elektronikong paraan na mga donasyon, pumunta sa
www.sterlingfire.org/donate
Ang Sterling Volunteer Fire Company ay isang 501 (c) (3) kawanggawang organisasyon at ang iyong mga donasyon ay tax deductible.
50 taon ng serbisyo, at pagkatapos at ngayon …
1966 – 5,000 residente ang nagsilbi sa isang rural na komunidad
2016 – 90,000 residente ang nagsilbi sa maraming mga magkakaibang mga komunidad
1966 – Isang kamalig ang ginamit bilang isang pansamantalang istasyon
2016 – Tatlong pasadyang itinayong istasyon
1966 – Dalawang segunda manong pambomba ng sunog, at isang gamit na tangke
2016 – Limang pambomba ng sunog, dalawang hagdang truck, dalawang espesyal na paggamit sasakyan, dalawang utos yunit
1966- 26 miyembro na tumugon mula sa bahay
2016- 233 miyembro naregular na nagtrabaho sa istasyon ng bumbero upang maging handa para sa lahat ng emerhensiya
Halikayo at maging bahagi ng mga susunod na 50 taon ng Sterling Fire!
Kami ay palaging naghahanap ng mga boluntaryo. Kung ikaw ay interesado sa pagsugpo ng apoy o pagsuporta sa administratibong pamamahala ng kumpanya, kami ay may isang lugar para sa iyo. Hindi kailangan ang karanasan at ang lahat ng pagsasanay ay libre!
Para sa karagdagang impormasyon, magemail sa amin sa
membership@sterlingfire.org
o magsumite ng isang kahilingan para sa kumpletong impormasyon ukol sa aplikasyon sa pagsapi sa tinyurl.com/svfc-virf.
Emergency 911
Sundan kami sa Facebook.com/SterlingFire o Twitter.com/SterlingFire



